Pagluluto:Tinapang Bangus
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | katamtamang laki | bangus, nilinis |
4 | kutsarita | asin |
2 | kutsara | katas ng kalamansi |
1 | piraso | tea bag |
2 | kutsara | bigas |
2 | kutsara | asukal na pula |
1 | tasa | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Hiwain sa likod o pandaing ang bangus.
- Huwag kaliskisan ang isda.
- Asinan at pahiran ng kalamansi.
- Pasingawan ng 20 minuto o hanggang maluto.
- Palamigin.
- Maghanda ng malaking kaserola.
- Sapinan ang ilalim ng aluminum foil.
- Ilagay ang tsaa na laman ng tea bag, bigas at asukal.
- Maglagay ng rack o butas-butas na patungan.
- Iayos dito ang bangus.
- Takpan ang kaserola.
- Isalang ng 10 minuto o hanggang mag-amoy at magkulay ang isda.
- Pahiran ng kaunting mantika ang balat ng isda para makintab.