Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Tamales

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 tasa arina, tinusta
3 tasa gata
1 tasa sabaw ng manok
3 kutsarita asin
½ tasa asukal na pula
2 kutsarita paminta
½ tasa peanut butter
2 kutsara atsuete oil
¼ tasa mantika
1 kutsara tinadtad na bawang
½ tasa hiniwang sibuyas
1 tasa hinimay na nilagang manok
1 tasa hiniwang hotdog
1 tasa hiniwang hamon
2 kutsarita paprika
2 kutsarita ground cayenne
½ kutsarita asin
3 piraso nilagang itlog

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Sa kawali, paghaluin ang tinustang arina, gata, sabaw ng manok, asin, asukal, paminta at peanut butter.
  2. Lutuin sa mahinang apoy hanggang lumapot.
  3. Haluing maigi para hindi dumikit.
  4. Isalin ang kalahati sa ibang kawali at samahan ng atsuete oil.
  5. Lutuin ang dalawang timpla hanggang humihiwalay na sa kawali.
  6. Palamigin.
  7. Sa ibang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  8. Idagdag ang manok, hotdog at hamon.
  9. Timplahan ng paprika, cayenne at asin ayon sa panlasa.
  10. Palamigin.
  11. Maghanda ng mga nilantang dahon ng saging at putulin sa laking 5" x 3".
  12. Pagpatungin ang dalawang piraso sa ayos na krus.
  13. Sagit na ay maglagay ng kaunting pula at puti na nilutong arina.
  14. Marahang pipiin.
  15. Paibabawan ng kaunting ginisang manok at hiniwang nilagang itlog.
  16. Para maisara, pagpatungin sagitnaang dalawang dulo ng ilalim na dahon.
  17. Ganoon din ang gawin sa pang-ibabaw na dahon.
  18. Magbalot ng tag-apat na tamales sa aluminum foil.
  19. Isara ng maigi para hindi pasukan ng tubig habang niluluto.
  20. Iluto sa kumukulong tubig hanggang mabuo, mga 40 minuto hanggang 1 oras.