Pagluluto:Tagliata
Itsura
Sangkap
[baguhin]4 | katamtamang laki | steak na may 1½ pulgada ang kapal (T-bone o New York strip) |
3 | kutsara | olive oil |
2 | bungkos | sariwang arugula, hinugasan at pinatuyo |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | pamintang durog |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pahiran ang steak ng olive oil at budburan ng paminta.
- Ihawin ng mga 4 minuto ang bawat pisngi o hanggang maluto.
- Hiwain ang steak ng mga ½ pulgada bawat piraso.
- Ihain kasama ng arugula.
- I-drizzle ng marami-raming olive oil at wisikan ng asin.