Pagluluto:Szechwan Chicken Breasts
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kutsara | tinadtad na luya |
| 2 | kutsara | honey |
| ¼ | tasa | tinadtad na leeks |
| ¼ | tasa | toyo |
| 1 | kutsara | dinurog na pamintang buo |
| 1 | kutsara | asin |
| 10 | piraso | pitso ng manok (tanggalin ang balat at buto at hatiin sa dalawa) |
| 3 | tasa | mantika pamprito |
Paraan ng paghalo
[baguhin]- Sa isang mangkok, paghaluin ang luya, honey, leeks, toyo, paminta at asin.
- Ibabad dito ang pitso ng manok.
- Takpan at itabi ng magdamag sa repridyerator.
- Ihawin o prituhin sa mantika.