Pagluluto:Swiss Steak
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ½ | kilo | baka, hiniwang steak |
| ½ | tasa | harina |
| 1 | kutsarita | asin |
| 2 | butil | bawang, dinikdik |
| 1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
| 1 | piraso | dahon ng laurel |
| ½ | tasa | margarine |
| 1 ½ | tasa | lemon-lime na inumin |
| 2 | kutsara | ketchup |
| 2 | tasa | kinudradong patatas, pinirito |
| ¼ | tasa | tubig |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Palambutin ang baka at hiwain ng tig-1 pulgada.
- Paghaluin ang harina at asin. Pagulungin ang baka doon.
- Gawing mapula-pula sa magkabilang panig ang steak sa tinunaw na margarine.
- Itabi muna.
- Igisa ang bawang at sibuyas.
- Idagdag ang natitirang mga sangkap kasama ng natirang pinaghalong harina at asin.
- Lutuin hanggang lumapot.
- Ibuhos sa ibabaw ng baka bago ihain.