Pagluluto:Sweet and Sour Fish
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | piraso | katamtamang laki na isda (Pangasius), nilinis |
1 | kutsarita | asin |
2 | piraso | kalamansi |
1 | tasa | mantika pamprito |
2 | butil | bawang, tinadtad |
1 | kutsara | tinadtad na luya |
1 | piraso | maliit na sibuyas, hiniwa |
1 | piraso | maliit na siling berde, hiniwang pahaba |
1 | piraso | maliit na carrot, hiniwang pahaba |
¼ | tasa | suka |
¼ | tasa | asukal |
½ | tasa | tubig |
½ | kutsarita | asin |
1 | kutsara | toyo |
2 | kutsara | ketchup |
1 | kutsarita | cornstarch na tinunaw sa |
2 | kutsara | tubig |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pahiran ang isda ng asin at katas ng kalamansi.
- Itabi nang 20 minuto.
- Magpainit ng mantika sa kawali at iprito ang isda hanggang pumula.
- Patuluin.
- Sa isa pang kawali, magpainit ng kaunting mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
- Idagdag ang sili at carrot.
- Ibuhos ang suka, asukal, tubig, asin, toyo at ketchup.
- Pakuluin.
- Palaputin ng tinunaw na cornstarch.
- Ibuhos sa ibabaw ng isda.
- Para matanggal ang lansa ng isda, maaaring magdagdag ng gatas sa halip na katas ng kalamansi.