Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Suman sa Lihiya

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 ½ tasa bigas na malagkit
2 kutsarita lihiya

Sawsawan

[baguhin]
3 tasa gata
½ tasa galapong
½ tasa gata
1 ½ tasa asukal na pula o panutsa

Budbod

[baguhin]
2 tasa sapal
1 tasa asukal

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Hugasan ng tatlong beses ang malagkit.
  2. Ibabad nang 20 minuto sa tubig at saka patuluin.
  3. Ihalo ang lihiya.
  4. Ibalot sa nilantang dahon ng saging at itali ng pares-pares.
  5. Sa malaking kaserola, maglagay ng mga dahon ng saging.
  6. Iayos ang mga suman.
  7. Pabigatan nang hindi lumutang ang mga suman at saka punuin ng tubig hanggang lumubog.
  8. Isalang ng 45 minuto hanggang 1 oras.

Paghanda ng sawsawan

[baguhin]
  1. Ibuhos ang gata sa kaserola.
  2. Pakuluan nang 10 minuto ng hindi hinahalo.
  3. Tunawin ang galapong sa natitirang gata.
  4. Isama sa kumukulong gata.
  5. Timplahan ng asukal o panutsa at lutuin hanggang lumapot.

Paghanda ng budbod

[baguhin]
  1. Ilagay ang sapal at asukal sa kawali.
  2. Lutuin sa katamtamang apoy hanggang matusta habang tuloy-tuloy nahinahalo.
  3. Ihain ang suman na pinaibabawan ng sawsawan at budbod.