Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Stuffed Pork Roulade

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 ½ kilo pork tenderloin
1 ½ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
1 kutsarita paprika
9 piraso sariwang ispinaka, hinugasan
9 tangkay celery, hiniwang pahaba
9 piraso keso, hiniwang pahaba
9 hiwa hamon, hiniwang pahaba
9 piraso carrot, hiniwang pahaba
3 butil bawang, dinikdik
¼ tasa mantikilya
2 kutsara Worcestershire sauce

Sarsa

[baguhin]
¼ tasa mantikilya
2 tangkay sibuyas na mura, tinadtad
1 ½ tasa all-purpose cream
1 tasa sabaw ng baka
¼ tasa white wine (kung nais)

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Painitin ang oven sa 450°F.
  2. Hiwain ang pork tenderloin nang manipis parang butterfly fillet.
  3. Ilatag ang karne at palaparin.
  4. Timplahan ng asin, paminta at paprika.
  5. Iayos ng patong-patong ang mga dahon ng ispinaka sa gitna ng karne.
  6. Ilagay ng salit-salit ang celery, keso, hamon at karot sa ibabaw ng ispinaka.
  7. Igulong ang karne na parang morkon.
  8. Itati ng sinulid na makapal para hindi bumuka habang niluluto.
  9. Ilagay ang karne sa roasting pan.
  10. Pahiran ng bawang, mantikilya at Worcestershire sauce.
  11. Ihurno ng 15 minuto.
  12. Ibaba ang init sa 350°F at lutuin ng 30 minuto pa a hanggang lumambot.
  13. Alisin sa pan.
  14. Palamigin.
  15. Tanggalin ang tali at hiwain.

Para sa paghahanda ng sarsa

[baguhin]
  1. Sa maliit na kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas na mura.
  2. Idagdag ang cream at palaputin.
  3. Isama ang sabaw at white wine.
  4. Hayaang uminit at pagkatapos ay ihain kasama ng hiniwang stuffed pork roulade.