Pagluluto:Strawberry Shortcake
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | tasa | arina |
1 | kutsara | baking powder |
1 | kutsarita | asin |
2 | kutsara | asukal |
¼ | tasa | shortening |
2 | kutsara | shortening |
⅓ | tasa | gatas |
⅓ | tasa | tubig |
Topping
[baguhin]½ | tasa | malamig na cream |
2 | kutsara | confectioners' sugar |
¼ | kilo | sariwang strawberry, hinugasan at hinati sa dalawa |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang oven sa 450°F.
- Sa isang mangkok, pagsamahin ang arina, baking powder, asin at asukal.
- Ihalo ang shortening at haluin hanggang magbutil-butil ang arina.
- Magdagdag ng sapat na gatas para mabuo ang masa.
- Kapag nagkulang ang gatas ay dagdagan ng tubig hanggang makabuo ng masa.
- Masahin ng ilang beses hanggang kuminis at pagkatapos ay itabing nakatakip ng ilang minuto.
- Panipisin sa pamamagitan ng rolling pin sa nipis na ½".
- Putulin sa dalawang magsinglaking bahagi.
- Ilipat sa baking sheet at isalang sa oven hanggang maluto, mga 15-20 minuto.
- Palamigin.
- Batihin ang malamig na cream hanggang lumapot.
- Isama ang asukal.
- Ilagay ang isang layer ng shortcake sa tray o base.
- Pahiran ng kalahati ng binating cream.
- Paibabawan ng strawberries.
- Takpan ng isa pang layer ng shortcake.
- Pahiran ng nalalabing cream at palamutian ng mga strawberry.
- Palamigin bago ihain.