Pagluluto:Steak Salisbury

Mula Wikibooks

Sangkap[baguhin]

1 ½ kilo giniling na baka
2 piraso itlog, binati
4 hiwa hamon, tinadtad
1 tasa breadcrumbs
1 tasa tinadtad na sibuyas na mura
1 tasa tinadtad na parsley
½ tasa ginadgad na keso
2 lata condensed cream of mushroom soup
tasa tubig
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta pantimpla

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang mangkok, pagsamahin ang giniling na baka, itlog, hamon, breadcrumbs, sibuyas na mura, parsley, keso, at ½ tasang mushroom soup.
  2. Haluin ng maigi.
  3. Kortehing maliliit na loaf o mga bilog na patties.
  4. Iayos sa isang baking pan.
  5. Lutuin sa oven sa init na 350°F ng 30-40 minuto.
  6. Ihalo ang tubig sa natitirang soup.
  7. Ibuhos sa baking pan.
  8. Lutuin pa ng mga 10 minuto.