Pagluluto:Spinach Cream Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]6 | kutsara | mantikilya |
6 | kutsara | arina |
8 | tasa | sabaw ng manok |
½ | tasa | spinach, binanlian at dinurog sa blender na may kaunting gatas |
½ | tasa | tinadtad na celery |
½ | tasa | cream |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
½ | tasa | whipped cream |
½ | tasa | tinadtad na parsley |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantikilya sa maliit na kaserola.
- Idagdag ang arina.
- Haluin maigi at lutuin ng ilang minuto.
- Huwag papulahin. Ito ang tinatawag na white roux.
- Itabi.
- Pakuluin ang sabaw ng manok sa kaserola.
- Palaputin ng bahagya sa pamamagitan ng pagdagdag ng white roux.
- Isama ang spinach, celery at cream.
- Lutuin ng 2 minuto.
- Timplahan.
- Paibabawan ng whipped cream at parsley.