Pagluluto:Sopas na may Sariwang Gisantes
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | tasa | gisantes na walang balat |
4 | tasa | tubig |
1 | buo | maliit na sibuyas, ginayat na pino |
2 | buo | maliit na patatas, walang balat at ginayat na manipis |
1 | kutsara | mantikilya o margarina |
1 | pula ng itlog | |
1 | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pakuluin ang gisantes hanggang sa lumambot.
- Salain at ingatan ang tubig, mga 4 na tasa.
- Paraanin ang gisantes sa pinong salaan, at alisin ang mga balok. #Iprito ang sibuyas sa mantikilya.
- Ilagay sa kawali ang tubig na pinaglutuan, sibuyas, mantikilya at ginayat na patatas.
- Lagyan ng katamtamang asin.
- Pakuluin at haluin hanggang sa ang patatas ay madurog.
- Ihalo ang pula ng itlog na binating mabuti.