Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Sopas na Kalabasa

Mula Wikibooks

Sangkap[baguhin]

3 tasa kinuadradong gayat na kalabasa
1 katamtamang laki ng sibuyas, tinadtad
2 butil bawang, pinitpit
2 buo kamatis na tinadtad
1 tasa gatas
1 tasa ginayat na siling pula at berde, kudrado
1 kutsarita asin

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis.
  2. Saka ilagay ang ginayat na kinuadradong kalabasa.
  3. Lagyan ng tubig at saka bayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
  4. Para sumarap ang lasa palaputin sa gatas. Ihain ng mainit.