Pagluluto:Sizzling Bangus
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | boneless bangus (pandaing) |
½ | kutsarita | asin |
2 | kutsarita | liquid seasoning |
1 | kutsarita | katas ng kalamansi |
¼ | kutsarita | paminta |
1 | kutsara | mantikilya |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
½ | tasa | tinadtad na kamatis |
Mushroom Sauce
[baguhin]¼ | tasa | tinadtad na bacon |
2 | kutsara | mantikilya |
2 | kutsara | arina |
¼ | tasa | hiniwang mushrooms |
1 ¾ | tasa | sabaw ng manok |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ibabad ang bangus sa asin, liquid seasoning, kalamansi at paminta nang 2 oras.
- Itabi.
- Sa kawali, igisa sa mantikilya ang sibuyas at kamatis hanggang lumambot.
- Itabi.
Paghahanda ng Mushroom Sauce
[baguhin]- Papulahin ang bacon hanggang lumutong.
- Itabi sa gilid ng kawali at idagdag ang mantikilya.
- Ibuhos ang arina at haluin ng maigi para mawala ang mga buo-buo.
- Idagdag ang mushrooms at sabaw.
- Palaputin at timplahan ayon sa panlasa.
- Sa iba pang kawali, iprito ang bangus ng lubog sa mantika na mainit.
- Patuluin at ilipat sa sizzling plate o bandehado.
- Ikalat sa ibabaw nito ang ginisang kamatis at sibuyas.
- Ibuhos ang mushroom sauce sa ibabaw.
- Ihain kaagad.