Pagluluto:Sitsaro Guisado
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | sitsaro, tinanggalan ng sungot at hinati sa dalawa |
2 | kutsara | mantika |
3 | butil | bawang, tinadtad |
½ | tasa | hiniwang sibuyas |
½ | tasa | hiniwang kamatis |
½ | tasa | hiniwang karne ng baboy |
¼ | tasa | binalatang hipon |
½ | kutsarita | asin pantimpla |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Idagdag ang karne at papulahin.
- Isama ang hipon.
- Lutuin ng bahagya.
- Ibuhos ang katas ng hipon at timplahan ayon sa panlasa.
- Isama ang sitsaro at lutuin hanggang lumambot.