Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Sisig

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 kilo ulo ng baboy
2 kutsara mantika
2 kutsara tinadtad na bawang
½ tasa tinadtad na sibuyas
¼ tasa tinadtad na siling labuyo
¼ tasa tinadtad na inihaw na atay
½ kutsarita patis pantimpla
1 tasa sukang puti
1 kutsara liquid seasoning
½ piraso pork bouillon cube
1 kutsarita dinurog na paminta
1 tasa tubig
1 piraso itlog

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Ihawin ang ulo ng baboy para matanggal ang mga balahibo.
  2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot.
  3. Tadtarin ang laman.
  4. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, sili, laman ng baboy at atay.
  5. Timplahan ng patis, suka, liquid seasoning, bouillon at paminta.
  6. Ibuhos ang tubig.
  7. Pakuluin at hayaang lumambot ng husto ang baboy.
  8. Ihain sa pinainit na sizzling plate.
  9. Lagyan ng hilaw na itlog at ihalo.