Pagluluto:Sinigang na hito

Mula Wikibooks
Sinigang na Hito
Sinigang na Hito

Mga Sangkap:[baguhin]

  • 1 kilo ng sariwang hito
  • 2 tasa na hiniwang kamias
  • 3 tangkay ng pechay
  • 4 na pirasong berdeng saging na saba
  • 1 kutsaritang asin
  • 1 kutsaritang paminta
  • 2 pirasong siling berde
  • 1 katamtamang laki na sibuyas
  • 1 kutsaritang luya
  • 2 tasang hugas bigas

Paraan ng Pagluluto:[baguhin]

  1. Linising maigi ang hito, hiwain ng katamtamang laki at itabi.
  2. Hiwain ng maninipis ang luya, sibuyas, kamyas at saging.
  3. Sa isang kaserola ilagay ang luya, sibuyas at ang hiniwang isda, isama narin ang hiniwang kamias.
  4. Pakuluin ito sa dalawang tasang hugas bigas ng 10 minuto.
  5. Timplahan ng asin, paminta, at ihulog ang saging na saba.
  6. Antaying maluto ang saging, kapag malambot na ito, ihulog ang sili at pechay.
  7. Pakuluin muli sa loob ng tatlong minuto.
  8. Ihain.