Pagluluto:Sinigang na Hipon
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 | tasa | hugas-bigas o tubig |
| 15 | piraso | kamyas |
| 1 | piraso | sibuyas, hiniwa |
| 1 | piraso | kamatis, hiniwa |
| 2 | piraso | labanos, inapat ang hiwa |
| ½ | kilo | hipon |
| 1 | tali | kangkong, hiniwang 2" ang haba |
| 2 | piraso | siling haba |
| ¼ | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ilagay ang isang tasang hugas-bigas sa kaserola kasama ng kamyas.
- Lutuin hanggang lumambot at pagkatapos ay ligisin.
- Idagdag ang sibuyas, kamatis at natitirang hugas-bigas.
- Pakuluin at saka isama ang labanos.
- Idagdag ang hipon, kangkong at siling haba.
- Hayaang maluto nang husto.
- Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.