Pagluluto:Sinigang na Bangus
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | tasang sampalok |
2 | tasang tubig |
1 | pirasong maliit na sibuyas, hiniwa |
3 | pirasong kamatis, hiniwa |
½ | kilong bangus, kinaliskisan at hinati |
3 | pirasong okra, hiniwa |
2 | pirasong talong, hiniwa |
1 | taling kangkong, hiniwang 2" ang haba |
2 | pirasong siling haba |
¼ | kutsaritang asin |
¼ | kutsaritang paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Palambutin ang sampalok sa kumukulong tubig.
- Ligisin at salain para makuha ang katas.
- Sa kaserola, ilagay ang tubig, sibuyas, kamatis at katas ng sampalok.
- Pagkulo, ihulog ang bangus, okra, talong, tangkay ng kangkong at siling haba.
- Pagkaraan ng ilang minuto ay idagdag ang mga dahon ng kangkong.
- Timplahan ayon sa panlasa.