Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Sinigang na Baka

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
10 piraso sampalok
1 kilo tadyang ng baka, hiniwa sa katamtamang laki
5 tasa tubig
4 piraso kamatis, hiniwa
1 piraso sibuyas, hiniwa
3 piraso gabi, tinalupan at hinati
1 tali sitaw, hiniwang 2" ang haba
1 tali kangkong, hiniwang 2" ang haba
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Sa kaunting tubig, palambutin ang sampalok.
  2. Ligisin at salain para makuha ang katas.
  3. Sa kaserola, palambutin ang baka sa tubig.
  4. Idagdag ang kamatis, sibuyas at katas ng sampalok.
  5. Isama ang gabi.
  6. Kapag bahagyang lumambot ay idagdag ang sitaw at tangkay ng kangkong.
  7. Timplahan ayon sa panlasa.
  8. Huling idagdag ang mga dahon ng kangkong.