Pagluluto:Singkamasang Pato
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | buo | pato |
2 | kutsara | arina |
3 | kutsara | mantika |
3 | piraso | singkamas (katamtaman ang laki) |
½ | kutsaria | asin |
½ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ilagay ang mantika sa malaking kaldero.
- Kung mainit na, ilagay ang nilinis na pato.
- Lutuin dahan-dahan samantalang binaligtad paminsan-minsan upang maging timbang ang pagkakaluto.
- Gawin ang kaparaanang ito hanggang sa pumula ang pato.
- Kapag pumula na, alisin sa kaldero at haluan ng arinang tinunaw sa kaunting sabaw.
- Isalin ang sarsa sa pamamagitan ng salaan, papunta sa isang mangkok.
- Banlawang mabuti ang kaldero at ibalik ang sarsa kasama ang pato.
- Takpan mabuti at ipagpatuloy ang pagluluto sa mahinang apoy sa loob ng kalahating oras.
- Talupan ang mga singkamas.
- Pagkatalop ay tapyasan para makagaw ng mga bilog-bilog na hiwa ng singkamas.
- Lutuin sa mantika samantalang binubudburan ng kaunting asukal ang ibabaw at hayaang nakasalang hanggang sa pumula nang bahagya.
- Ilagay sa mainit na pinggan o malaking bandehado ang pato at iayos sa paligid nito ang singkamas.
- Isalin sa ibabaw ang sinalang na sarsa.