Pagluluto:Shrimp Scramble
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 4 | piraso | itlog |
| 2 | kutsara | gatas |
| ½ | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | pamintang puti |
| 1 ½ | tasa | binalatang lutong hipon |
| ¼ | tasa | mantikilya |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Batihin ang mga itlog kasama ng gatas, asin at paminta.
- Ihalo ang hipon.
- Magpainit ng kaunting mantikilya sa kawali.
- Lutuin ang binating itlog at hipon hanggang mabuo.
- Ihain kasama ng tinustang tinapay.