Pagluluto:Shrimp Creole
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 ½ | tasa | hipon, binalatan |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
2 | kutsara | katas ng lemon |
¼ | tasa | olive oil |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
1 | tasa | tinadtad na celery |
1 | kilo | kamatis (banlian, balatan, tanggalan ng buto at tadtarin) |
1 | tasa | dry white wine |
2 | kutsara | suka |
1 | kutsara | asukal |
2 | kutsara | cornstarch, tinunaw sa kaunting tubig |
1 | tasa | hiniwang siling berde |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang hipon ng asin, paminto at katas ng lemon.
- Painitin ang mantika at lutuin ang hipon hanggang magpalit ng kulay.
- Itabi sa pinggan.
- Sa natitirang mantika, igisa ang sibuyas at celery hanggang lumambot.
- Ihalo ang kamatis at lutuin ng 3 minuto.
- Isama ang white wine, suka at asukal.
- Lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto.
- Palaputin ng tinunaw na cornstarch.
- Isama ang hipon at siling berde.
- Lutuin pa ng ilang minuto hanggang uminit.