Pagluluto:Shrimp Bisque
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ½ | kutsara | mantika |
| ½ | kutsarita | tinadtas na bawang |
| ¼ | tasa | tinadtad na sibuyas |
| ¼ | kilo | ulo ng hipon |
| ¼ | tasa | tinadtad na carrot |
| ¼ | tasa | tinadtad na celery |
| ¼ | tasa | tinadtad na leeks |
| 1 | kutsara | tomato paste |
| 12 | tasa | sabaw ng isda |
| ¼ | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | paminta |
| ¼ | tasa | cream |
| ¼ | tasa | brandy |
| ¼ | tasa | whipped cream |
| ½ | tasa | hiniwang hipon, binanlian |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang at sibuyas.
- Paglambot ay isama ang mga ulo ng hipon, carrots, celery at leeks.
- Sangkutsahin hanggang pumula ang mga ulo.
- lhalo ang tomato paste at lutuin ng 2 minuto.
- Ibuhos ang sabaw.
- Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy at isalang pa ng 2 oras.
- Palamigin.
- Gilingin sa food processor o blender hanggang pumino.
- Salain at isalin sa ibang kaserola.
- Pakuluin uli bago timplahan ayon sa panlasa.
- Ihalo ang cream at kaunting brandy.
- Paghain ay paibabawan ng whipped cream at hipon.