Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Seafoods Ragout

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
400 gramo fish fillet, hiniwang pakuwadrado
400 gramo hipon, binalatan
400 gramo pusit, hiniwang 1" ang kapal
300 gramo laman ng tahong, binanlian
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
¼ tasa katas ng lemon
1 tasa olive oil
½ tasa tinadtad na bawang
1 tasa tinadtad na sibuyas
1 kilo kamatis (banlian, balatan, tanggalan ng buto bago tadtarin)
¼ tasa tomato paste
½ tasa sabaw ng isda
1 kutsara tinadtad na dahon ng basil
1 kutsara oregano
1 dahon laurel
1 kutsarita asukal

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Timplahan ng hiwa-hiwalay ang isda, hipon, pusit at tahong ng asin, paminta at katas ng lemon.
  2. Painitin sa kawali ang kalahati ng mantika at igisa ang mga lamang-dagat ng hiwa-hiwalay.
  3. Isantabi.
  4. Sa natitirang mantika, igisa ang bawang hanggang pumula.
  5. Isama ang sibuyas, kamatis at tomato paste.
  6. Sangkutsahin.
  7. Isama ang sabaw ng isda, basil, oregano, laurel at asukal.
  8. Timplahan ayon sa panlasa.
  9. Pakuluin bago ihalo ang mga lamang-dagat.
  10. Lutuin pa ng 5 minuto.