Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Seafoods Gumbo

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
½ kutsara tinunaw na mantikilya
½ tasa tinadtad na sibuyas
8 tasa sabaw ng isda
2 kutsara bigas
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
¼ tasa hiniwang hipon
¼ tasa hiniwang pusit
¼ tasa hiniwang pakuwadradong laman ng isda
½ tasa tinadtad na kamatis (balatan at tanggalan ng buto bago tadtarin)
½ tasa hiniwang pakuwadrado na okra 1
½ tasa hiniwang pakuwadrado na siling pula at berde
1 piraso dahon ng laurel


Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Painitin ang mantikilya sa kaserola at igisa ang sibuyas.
  2. Ibuhos ang sabaw at hayaang kumulo.
  3. Hinaan ang apoy at idagdag ang bigas.
  4. Timplahan ng asin at paminta.
  5. Hayaang maluto ang bigas.
  6. Idagdag ang nalalabing mga sangkap.
  7. Isalang hanggang maluto ang mga lamang-dagat at gulay.