Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Seafood Consomme

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 tasa tinadtad na laman ng isda
2 puti ng itlog
2 kutsara tinadtad na sibuyas
2 kutsara tinadtad na carrot
2 kutsara tinadtad na celery
1 kutsara tinadtad na leeks
1 dahon laurel
1 kutsarita dinurog na pamintang buo
½ tasa rosemary
8 tasa sabaw ng isda
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti panimpla
2 kutsara hiniwang hipon
2 kutsara hiniwang pusit
2 kutsara hiniwang laman ng isda

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Pagsamahin ang unang 10 sangkap sa isang kaserola at haluing maigi.
  2. Timplahan ng asin at paminta.
  3. Haluin hanggang kumulo.
  4. Pagkulo ay ihinto ang paghalo at hinaan ang apoy.
  5. Isalang ng 2 oras at pagkatapos ay alisin sa apoy at isantabi ng 1 oras.
  6. Salain ang sabaw sa katsa.
  7. Banlian ang hipon, pusit at isda sa sabaw o tubig.
  8. Isalin sa malinis na kaserola ang sinalang sabaw.
  9. Pakuluin.
  10. Isama ang mga lamang dagat.
  11. Maari ring magsama ng hiniwang julienne na carrots, celery o leeks.