Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Scallops Mornay

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 kilo sea scallops
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti
¼ tasa katas ng lemon
2 kutsara mantikilya
1 tasa tinadtad na sibuyas
½ tasa white wine
1 ½ tasa fish veloute
1 ½ tasa ginadgad na keso (Gruyere, Emmenthal o keso de bola)
1 kustara nutmeg
½ tasa cream

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Timplahan ang scallops ng asin, paminta, at katas ng lemon.
  2. Isantabi.
  3. Sa kawali, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
  4. Ihalo ang scallops.
  5. Isama ang white wine at hayaang kumulo hanggang mangalahati.
  6. Idagdag ang fish veloute at keso.
  7. Timplahan ng asin, paminta at nutmeg.
  8. Isama ang cream.
  9. Painitin pero huwag pakuluin.