Pagluluto:Sauteed Potato

Mula Wikibooks

manlika pamprito 1 1/4 tasang hiniwang pakuwadradong bacon

Sangkap[baguhin]

1 kilo katamtamang laki na patatas
½ tasa mantika pamprito
1 ¼ tasa bacon, hiniwang pakuwadrado
1 tasa hiniwang sibuyas
½ kutsarita asin pantimpla
½ tasa tinadtad na parsley

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hugasan at linisin ang mga patatas.
  2. Ilaga hanggang lumambot.
  3. Palamigin sa repridyerator.
  4. Hiwaing may kapal na ⅜".
  5. Pritihin sa mainit na mantika pero huwag palutungin.
  6. Patuluin ang sobrang mantika.
  7. Sa isang kawali, magpainit ng kaunting mantika at igisa ang bacon at sibuyas.
  8. Ihalo ang piniritong patatas.
  9. Timplahan ng asin.
  10. Paibabawan ng tinadtad na parsley.