Pagluluto:Sauteed French Beans
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ¼ | kilo | abitsuelas |
| 1 | kutsara | mantika |
| ¾ | tasa | hiniwang bacon |
| 1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Tanggalan ng mga dulo ang abitsuelas at hiwaing pahilis.
- Lutuin sa kumukulong tubig na may kaunting asin hanggang bahagyang lumambot.
- Ihulog kaagad sa malamig na tubig at pagkatapos ay patuluin.
- Painitin ang mantika at lutuin ang bacon hanggang lumutong.
- Idagdag ang sibuyas at sangkutsahin.
- Isama ang abitsuelas.
- Timplahan ayon sa panlasa.