Pagluluto:Sauteed Cabbage
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | repolyo |
2 | kutsara | mantika |
1 | tasa | hiniwang sibuyas |
1 | tasa | hiniwang hipon |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Tanggalin ang matigas na bahagi ng repolyo bago ito hiwaing pakuwadrado.
- Hugasan at patuluin.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang sibuyas ng isang minuto.
- Ihalo ang hipon, asin at paminta.
- Lutuin ng 2 minuto.
- Isama ang repolyo.
- Lutuin pa ng 3-5 minuto.