Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Sapin-sapin

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 tasa bigas (malagkit na klase)
2 tasa tubig
2 ½ tasa puting asukal
3 tasa lutong ube (dinurog)
4 tasa gata ng niyog (galing sa 3 niyog)
2 malaking lata gatas kondensada
½ kutsarita food coloring na ube
½ kutsarita food coloring na dilaw
¼ tasa mantikilya
½ tasa keso

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Ibabad ang bigas sa tubig ng magdamag.
  2. Salain ang bigas at iwan ang tubig o sabaw.
  3. Sa isang blender, gilingin ang bigas ng pinong pino at magdagdag ng kaunting sabaw ng bigas para hindi manuyo.
  4. Ibuhos sa isang container o garapon at iwan ng ilang oras o magdamag.
  5. Paghalu-haluin lahat ng sangkap maliban sa dinurog na ube at food coloring.
  6. Hatiin ito sa 3 bahagi.
  7. Para sa unang bahagi ng batter, ilagay ang dinurog na ube. Lagyan ito ng food coloring na kulay ube. Haluin ng mabuti.
  8. Para sa ikalawang bahagi ng batter, lagyan ng dilaw na food coloring at haluin ng mabuti.
  9. Para sa huling bahagi ng batter, walang ihahalo at purong puti lamang.
  10. Lagyan ng mantikilya ang bilugang kaserola. Ipatong dito ng maayos ang dahon ng saging at lagyan din ito ng mantikilya.
  11. Ibuhos ito ang unang bahagi o yung ube. Ikalat ng maayos. Budburan ng keso ang ibabaw. Takpan at pasingawan ito ng 30 minuto.
  12. Ibuhos sa ibabaw ang ikalawang bahagi o yung dilaw. Ikalat ng maayos. Budburan ng keso ang ibabaw. Takpan at pasingawan ito ng 30 minuto.
  13. Ibuhos sa ibabaw ang huling bahagi o yung puti. Ikalat ng maayos. Budburan ng keso ang ibabaw. Takpan at pasingawan ito ng 30 minuto.
  14. Alisin sa kawali at salain upang maalis ang sobrang mantika bago ihandang kainin.
  15. Maari rin lagyan ng budbod (toasted sweetend coconut).