Pagluluto:Salabat
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | luya, tinalupan at ginadgad |
2 | tasa | asukal na pula |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pigain sa katsa ang ginadgad na luya para makuha ang katas.
- Sabawat tasa ng katas ng luya, magdagdag ng dalawang tasa ng asukal na pula.
- Isalang sa kawali sa katamtamang apoy.
- Lutuin hanggang lumapot habang tuloy-tuloy na hinahalo.
- Hinaan ang apoy at hayaang matuyo.
- Palamigin.
- Durugin ang salabat hanggang maging pulbos.
- Maaaring gumamit ng almeres o kaya'y food processor.
- Itabi sa mga bote o mga plastik na supot.
- Para sa pagtimpla, magtunaw ng 1-2 kutsara ng salabat sa isang tasa ng mainit na tubig.