Pagluluto:Sago't Gulaman
Itsura
Sangkap
[baguhin]3 | tasa | asukal |
2 | tasa | tubig |
1 | tasa | lutong sago |
1 | piraso | gulaman, hiniwang pakuwadrado |
2 | tasa | kinaskas na yelo |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Para sa pagluluto ng sago, magpakulo ng tubig sa kaserola.
- Ilagay ang hilaw na sago.
- Haluin para hindi magdikit-dikit.
- Lutuin hanggang lumambot.
- Salain.
- Papulahin ang asukal sa kaserola hanggang magkakulangot
- Ibuhos nang dahan-dahan ang tubig.
- Lutuin hanggang matunaw at maging arnibal.
- Palamigin.
- Haluan ng kaunting arnibal ang sago at gulaman para tumamis.
- Sa mga baso, maglagay ng kaunting sago at gulaman.
- Lagyan ng katamtamang dami ng arnibal.
- Dagdagan ng malamig na tubig o kinaskas na yelo ayon sa nais.