Pagluluto:Saging na Pastillas
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | saging na saba |
1 | buo | mantikilya |
3 | guhit | asukal (o 300 gramo) |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pakuluan ang hinog na sabang saging. Hiwain sa sukat na 3 sentimetro ang lapad.
- Lagyan ng ½ tasang tubig sa bawat 2 tasang hiniwang saging at haluin ng maigi.
- Paghaluin ang asukal at saging sa kawali. Hayaang maluto sa mahinang apoy.
- Haluin ng pantay. Ilipat sa mixing bowl na may waxed paper.
- Patagin at pagulungan ng rolling pin hanggang magining 1 sentimetro na lang ang kapal.
- Lagyan ng mantikilya at budburan ng asukal. Hiwain ng 4 sentimetro x 1 sentimetro kada piraso.
- Palamigin bago balutin sa cellophane.