Pagluluto:Rice Pudding
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 6 ½ | tasa | gatas |
| 1 | tasa | bigas |
| ½ | tasa | asukal |
| 2 | kutsara | mantikilya |
| ¼ | kutsarita | asin |
| 2 | kutsarita | vanilla |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, paghaluin ang gatas, bigas, asukal, mantikilya at asin.
- Lutuin sa katamtamang init habang tuloy-tuloy na hinahalo.
- Hinaan ang apoy at isalang hanggang maluto ang bigas.
- Haluin paminsan-minsan.
- Ihalo ang vanilla.
- Takpan at palamigin ng 3 oras.
- Maglagay ng pudding sa maliliit na mangkok.
- Maaaring paibabawan ng minatamis na mga prutas.