Pagluluto:Repolyo Guisado
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | ulo | repolyo, ginayat (hiwain ng manipis at mahaba) |
| 2 | kutsara | mantika |
| 3 | butil | bawang, tinadtad |
| ½ | tasa | hiniwang sibuyas |
| ½ | tasa | hiniwang kamatis |
| ½ | tasa | hiniwang karne ng baboy |
| ¼ | tasa | binalatang hipon |
| 1 | tasa | katas ng hipon |
| ½ | kutsarita | asin pantimpla |
| ½ | kutsarita | paminta pantimpla |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Hayaang lumambot at pagkatapos ay idagdag ang karne.
- Papulahin.
- Isama ang hipon at ang katas.
- Pakuluin at saka ilagay ang repolyo.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Lutuin hanggang lumambot ang gulay.