Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Repolyo Au Gratin

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 piraso maliit, matigas na buong repolyo
1 kutsarita mantikilya
2 tasa gatas
4 kutsara harina
4 kutsara mantika
1 kutsarita asin
2/3 tasa kinayod na keso
½ tasa dinurog na tinapay

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Ibabad ang repolyo sa malamig, may asing tubig sa loob ng 15 minuto.
  2. Gayatin ng maliliit na piraso ang repolyo, alisin ang matigas na gitna.
  3. Ilagay sa kumukulong tubig, takpan, at lutuin sa loob ng 8-10 minuto.
  4. Lutuin ang puting sarsa, lagyan ng keso, lutuin hanggang sa matunaw ang keso.
  5. Alisan ng tubig ang repolyo, at ilagay sa isang lanera.
  6. Lagyan ng puting sarsa ang repolyo sa ibabaw.
  7. Budburan ng dinurog na tinapay sa ibabaw.
  8. Ihurno ng 25-30 minuto hanggang sa pumula ang ibabaw.