Pagluluto:Relyenong Talong
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 | piraso | talong, katamtamang laki |
| 3 | kutsara | mantika |
| 2 | butil | bawang, dinikdik |
| 1 | piraso | maliit na sibuyas, tinadtad |
| 1 | piraso | kamatis, tinadtad |
| ¼ | kilo | giniling na baboy |
| 2 | piraso | itlog |
| ½ | kutsarita | asin pantimpla |
| ½ | kutsarita | paminta pantimpla |
| 1 | tasa | arina |
| 1 | tasa | mantika pamprito |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ihawin ang mga talong at pagkatapos ay balatan.
- Timplahan ng asin at paminta. Palaparin at itabi.
- Sa isang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Idagdag ang isang binating itlog at haluing mabuti.
- Hatiin ang giniling sa dalawang pinalapad na talong.
- Batihin ang natitirang itlog.
- Balutan ng itlog ang mga talong at budburan ng arina.
- Iprito hanggang mabuo.