Pagluluto:Relyenong Pusit
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | malalaking pusit |
| 1 | piraso | karot |
| 1 | piraso | singkamas |
| 4 | tangkay | celery |
| 4 | tangkay | kutsay |
| ½ | kutsarita | asin pantimpla |
| ½ | kutsarita | paminta pantimpla |
| ½ | kutsara | liquid seasoning |
| 4 | piraso | kalamansi |
| 3 | kutsara | mantikilya |
| 1 | piraso | siling labuyo, tinadtad |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Alisin ang balat at ulo ng pusit. Ilaan ang gulo pasa sa ibang lutuin.
- Linisin ang loob ng pusit.
- Hiwain ng makitid at mahaba (o julienne) ang mga gulay.
- Timplahan ng asin, paminta at liquid seasoning.
- Punuin ng gulay ang loob ng pusit.
- Isara ang pusit sa pamamagitan ng toothpick.
- Ibabad ang pusit sa kalamansi nang 5 minuto.
- Ihawin sa uling o grill.
- Paminsan-minsan ay pahiran ng mantikilya.