Pagluluto:Relyenong Manok
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | buong manok |
1 | kutsarita | katas ng kalamansi |
1 | kutsarita | asukal |
2 | kutsara | toyo |
Palaman
[baguhin]¾ | kilo | giniling na karne ng baboy |
¼ | tasa | tinadtad na carrot |
½ | tasa | tinadtad na hamon |
¼ | tasa | pasas |
4 | piraso | vienna sausage, tinadtad |
¼ | tasa | ginadgad na keso |
¼ | tasa | bread crumbs |
¼ | tasa | pickle relish |
5 | piraso | itlog |
1 | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
1 | kutsarita | asukal |
2 | kutsara | liquid seasoning |
1 | piraso | nilagang itlog, inapat |
4 | piraso | vienna sausage |
4 | piraso | carrot na hiniwang pahaba |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ihanda ang manok para gawing relyeno.
- Tanggalin ang mga buto ng hindi hinihiwa ang balat.
- Kailangang manatili ang hugis ng manok.
- Ibabad ang manok sa kalamansi, asukal at tuyo.
- Itabi pansamantala.
- Paghaluing maigi ang susunod na 13 sangkap.
- Ipalaman ang kalahati sa loob ng manok.
- Iayos ng pahaba sa gitna ng manok ang hiniwang itlog, sausage at patatas.
- Punuin ng natitirang palaman.
- Tahiin ang manok sa dulong pinagpalamanan.
- Ibalot sa aluminum foil at ilagay sa baking pan na may ½ tasa ng tubig.
- Hurnuhin sa init na 350°F nang 1 oras o hanggang maluto.
- Buksan ang foil at pahiran ng mantikilya ang manok.
- Ituloy ang paghuhurno hanggang mamula ang balat.
- Palamigin bago hiwain.