Pagluluto:Relyenong Bangus
Sangkap
[baguhin]1 | buo | malaking bangus, nilinis at kinaliskisan |
2 | kutsara | toyo |
2 | piraso | kalamansi, kinatasan |
2 | kutsara | mantika |
2 | kutsarita | dinikdik na bawang |
1 | piraso | sibuyas, tinadtad |
½ | tasa | tinadtad na kamatis |
½ | tasa | tinadtad na carrot |
½ | tasa | tinadtad na siling berde |
1 | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
1 | kutsarita | liquid seasoning |
¼ | tasa | pasas |
2 | hiwa | hamon, tinadtad |
1 | piraso | itlog |
2 | kutsara | arina |
½ | tasa | mantika pamprito |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Bahagyang pukpukin ang bangus para humiwalay ang balat sa laman.
- Baliin ang malaking buto sa may ulo at buntot.
- Isiksik ang hawakan ng sandok mula sa ulo hanggang sa buntot. Alisin.
- Dahan-dahang pisilin ang isda mula sa buntot para maalis ang laman na sa ulo lamang dumadaan. Sa ganitong paraan maiiwang buo ang balat ng bangus.
- Ibabad ang balat ng bangus sa toyo at kalamansi.
- Itabi.
- Ilaga ang naalis na laman ng bangus para maluto.
- Alisan ng tinik at himayin.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Idagdag ang hinimay na isda, carrot at siling berde.
- Timplahan.
- Isama ang pasas at hamon.
- Isalin sa pinggan at bahagyang palamigin.
- Ihalo ang itlog at arina.
- Ipalaman sa bangus.
- Siksiking mabuti para mabuo uli ang isda.
- Ibalot sa nilantang dahon ng saging o aluminum foil.
- Iprito o ihurno hanggang maluto.
- Palamigin bago hiwain.