Pagluluto:Relyenong Alimango
Itsura
Sangkap
[baguhin]6 | piraso | alimango |
2 | kutsara | mantika |
1 | kutsarita | tinadtad na bawang |
1 | piraso | sibuyas, tinadtad |
2 | piraso | kamatis, tinadtad |
2 | piraso | patatas, hiniwang pakuwadrado |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
3 | piraso | itlog |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ilaga ang alimango at himayin.
- Itabi ang mga talukap.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Isama ang patatas, hinimay na laman ng alimango at pantimpla.
- Palamiging bahagya at saka isama ang isang binating itlog.
- Linisin ang mga talukap at punuin ng ginisang mga sangkap.
- Batihin ang natitirang itlog.
- Ilubog dito ang mga talukap bago iprito sa mainit na mantika.