Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Red Beans na may Gata ng Niyog

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 ½ tasa nilutong red beans, walang sabaw
1 kutsara mantika
1 kutsarita dinikdik na bawang
½ tasa ginayat na kamatis
1 piraso kainamang laki ng sibuyas, ginayat
2 tasa malapot na gata ng niyog
1 kutsarita asin

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika.
  2. Idagdag ang kamatis, ligisin ng sandok para malutong mabuti.
  3. Idagdag ang red beans at gata ng niyog, bayaang kumulo.
  4. Lagyan ng asin para magkalasa.