Pagluluto:Ratatouille
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ¼ | tasa | olive oil |
| 1 | kutsara | tinadtad na bawang |
| ½ | tasa | hiniwang pakuwadradong sibuyas |
| 1 | tasa | inapat na kamatis (banlian, balatan at tanggalan ng buto bago apatin) |
| ½ | tasa | hiniwang pakuwadradong zucchini |
| ½ | tasa | hiniwang pakuwadradong talong |
| ½ | tasa | hiniwang pakuwadradong siling pula |
| ½ | tasa | hiniwang pakuwadradong siling berde |
| ¼ | tasa | tomato paste |
| ½ | tasa | sabaw ng manok |
| 1 | dahon | laurel |
| 1 | kutsara | oregano |
| 1 | kutsara | tinadtad na dahon ng basil |
| ¼ | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Sangkutsahin.
- Isama ang mga gulay at tomato paste.
- Lutuin ng 2 minuto.
- Isama ang natitirang mga sangkap.
- Timplahan.
- Lutuin pa ng 5 minuto.