Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Putong Puti

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
3 kutsarita yeast o lebadura
¾ tasa tubig
2 tasa sinala na cake flour
1 tasa asukal
1 kutsara baking powder
¼ tasa asukal
1 piraso itlog na maalat (hinati sa 8)
1 piraso ginadgad na keso

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Ihanda ang pasingawan at mga maliliit na muffin pan o hulmahan.
  2. Tunawin ang lebadura sa tubig.
  3. Paghaluin ang arina, asukal at baking powder.
  4. Ihalo ang tinunaw na lebadura.
  5. Sa mixer, batihin ang puti ng itlog hanggang sa soft peaks stage.
  6. Isama ang asukal at batihin hanggang malapot.
  7. Masinsing ihalo ang pinaghalong lebadura.
  8. Ibuhos sa hulmahan at isantabi nang 10-20 minuto.
  9. Paibabawan ng hiniwang itlog na maalat o ginadgad na keso.
  10. Magpakulo ng tubig para sa pasingawan.
  11. Pagkulo ay ilagay ang hulmahan ng puto.
  12. Pasingawan nang 10-15 minuto.
  13. Pahiran ng mantikilya bago ihain.