Pagluluto:Puto Bumbong
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | tasa | bigas na malagkit |
6 | kutsara | pirurutong |
4 | tasa | tubig |
1 | tasa | kinudkod na niyog |
2 | kutsara | mantikilya |
2 | kutsara | asukal |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Hugasan ang malagkit at pirurutong at pagkatapos ay ibabad sa tubig nang 3-4 na oras.
- Gilingin hanggang pino. Patuyuin sa colander na sinapinan ng katsa.
- Kapag tuyo na ay salain.
- Para madaling matanggal ang puto, ibabad ang mga bumbong sa mantika at budburan ng ginadgad na niyog.
- Ihanda ang pasingawan ng puto bumbong.
- Punuin nang ¾ ang bumbong.
- Isalang hanggang maluto.
- Taktakin ang bumbong para lumabas ang puto.
- Pahiran ng mantikilya at paibabawan ng niyog at asukal.