Pagluluto:Puree of Tomato Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kutsara | mantika |
| 1 | kutsara | tinadtad na bawang |
| 1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
| 1 | kilo | mapupulang kamatis (balatan, tanggalan ng buto at tadtarin) |
| 1 | kutsara | tomato paste |
| ½ | tasa | tinadtad na celery |
| ½ | tasa | tinadtad na carrot |
| 4 | tasa | sabaw ng manok |
| 2 | kutsara | asukal |
| ½ | kutsara | asin |
| ½ | kutsara | paminta |
| 1 | kutsara | tinadtad na sariwang basil |
| 1 | kutsarita | tuyong basil |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
- Isama ang kamatis, tomato paste, carrots at celery.
- Sangkutsahin. Ibuhos ang sabaw ng manok.
- Timplahan ng asukal, asin, paminta at basil.
- Bahagyang palamigin.
- Gilingin sa blender hanggang pumino.
- Ibalik sa kaserola at painitin muli.
- Paghain ay palamutian ng cream, croutons at tinadtad na parsley.