Pagluluto:Pumpkin Curry Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 ½ | tasa | sabaw ng manok |
| 2 ½ | tasa | gatas |
| 1 | tasa | hiniwang pakuwadradong kalabasa |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | pamintang puti |
| ½ | kutsarita | curry powder |
| ½ | tasa | gata |
| ½ | kutsara | tinadtad na sibuyas na mura |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa kaserola, ilagay ang sabaw ng manok at gatas.
- Isama ang kalabasa at pakuluin.
- Hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot ang kalabasa.
- Gilingin sa food processor o blender hanggang pumino.
- Ibalik sa kaserola at pakuluin.
- Timplahan.
- Isama ang curry powder at gata.
- Lutuin sa mahinang apoy ng 10 minuto
- Kung kinakailangan, palaputin ng tinunaw na cornstarch.
- Paibabawan ng sibuyas na mura.