Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Puchero

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 kilo baka, hiniwa nang tig-2 pulgada pakuwadrado
1 tasa chorizo de bilbao, prinito at hiniwa nang manipis
4 tangkay dahon ng sibuyas, hiniwa nang tig-4 pulgada pahaba
1 tangkay celery, hiniwa nang tig-4 pulgada pahaba
2 kutsarita asin
1 piraso maliit na repolyo, hiniwa sa 8 piraso
2 piraso katamtaman laking patatas, binalatan at hiniwa nang pakuwadrado
1 tasa baguio beans
1 tasa garbanzos
2 ulo bawang, pinitpit
1 piraso katamtaman laking sibuyas, tinadtad
½ tasa tomato sauce
2 kutsarita mantika

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Pakuluan ang baka sa isang kaserola na may sapat na dami ng tubig sa loob ng 2 oras o hanggang ito'y lumambot.
  2. Hanguin ang karne.
  3. Ipagpatuloy ang pagpakulo ng sabaw ng baka.
  4. Ilagay dito ang patatas.
  5. Pakuluan muli ng 2-3 minuto.
  6. Idagdag ang baguio beans at repolyo.
  7. Maghintay ng 5 minuto.
  8. Sa isang maliit na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.
  9. Ihalo ang baka at tomato sauce.
  10. Pakuluan muli ng 5 minuto.
  11. Ibuhos ang sabaw.
  12. Idagdag ang garbanzos.
  13. Pakuluan nang 5 minuto muli.
  14. Hanguin ang baka at ilagay sa isang malaking mangkok.
  15. Iayos ang gulay sa mangkok.
  16. Palamutian ng chorizo sa ibabaw.
  17. Ibuhos ang nilutong sabaw.
  18. Ihain habang mainit. Mas masarap ang puchero kapag may kasamang ensaladang talong sa tabi nito.